$10B na foreign investment dadalhin ng CREATE Bill sa bansa sa susunod na taon

By Erwin Aguilon December 10, 2020 - 11:40 AM

Kuha ni Erwin Aguilon

Magandang pagkakataon para sa mga negosyante ang mamumuhunan sa bansa kapag naisabatas na ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises o CREATE.

Sa pagtaya ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay Rep. Joey Salceda oras na maging batas ang CREATE ay magpapasok ito sa bansa ng US$7 billion hanggang US$10 billion na dagdag na foreign investment sa susunod na taon.

Sa 2021 lamang ay inaasahang magpapasok ito ng P39 Billion na halaga ng business expansion at lilikha ng 1 milyong trabaho sa susunod na dalawa o tatlong taon.

Kumpyansa naman ang economist solon na lalakas ang stock market, foreign investment at mga negosyo sa bansa dahil sa nasabing panukala.

Ayon kay Salceda, tataas sa P5.7 Trillion sa susunod na 10 taon o 38% ng market capitalization ang actual net ng private sector capital dahil sa CREATE.

Ito aniya ang magandang pagkakataon para mamuhunan sa mga resilient companies at inaasahan ang pagtaas ng kita sa susunod na taon at maaari pang mahigitan ng revenue growth
ang GDP growth.

Kapag naging ganap na batas ang CREATE, babawasan ng 10% ang corporate income tax ng mga kumpanya na may net taxable income na hanggang P5 million; at 5% tax reduction para
naman sa lahat ng iba pang kumpanya.

 

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises, CREATE Bill, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Rep JOey Salceda, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises, CREATE Bill, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Rep JOey Salceda, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.