Impeachment complaint laban kay SC Justice Leonen imposible nang matalakay ngayong taon

By Erwin Aguilon December 10, 2020 - 11:29 AM

Posibleng sa susunod na taon na dinggin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen.

Ayon kay Deputy Speaker at Justice Committee Vice Chairman Rufus Rodriguez, hindi pa naisasama sa order of business at hindi pa naire-refer sa House Committee on Justice ang reklamong pagpapatalsik kay Leonen.

Kukulangin na rin aniya sa oras at panahon dahil hanggang December 18 na lamang ang trabaho sa Kamara para bigyang-daan ang Christmas break.

Iginiit nito na hindi pwedeng madaliin ang proseso ng impeachment dahil ang nasasangkot dito ay isa sa matataas na opisyal ng Hudikatura ng bansa.

Gayunman, Hindi isinasantabi ni Rodriguez ang posibilidad na matalakay pa rin ng bahagya ang form and substance ng reklamo bago tuluyang mag-session break ang Kongreso.

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, COVID-19, department of health, Health, House of Representatives, Impeachment complaint, Inquirer News, justice marvic leonen, MGCQ, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Supreme Court, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, COVID-19, department of health, Health, House of Representatives, Impeachment complaint, Inquirer News, justice marvic leonen, MGCQ, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Supreme Court, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.