100 million na Pinoy kayang bakunahan sa inilaang pondo para sa COVID-19 vaccine

By Dona Dominguez-Cargullo December 10, 2020 - 10:21 AM

Isandaang milyong Filipino ang kayang bakunahan ng COVID-19 vaccine sa budget na P72.5 billion na inilaan sa ilalim ng 2021 national budget.

Ayon kay Senator Sonny Angara, ito ay kung ang bibilhing bakuna ng pamahalaan ay ang bakuna na P600 ang halaga kada dose.

Sa ilalim ng inaprubahang 2021 national budget, may inilaan na P72.5 billion para sa pagbili ng COVID-19 vaccines, bukod pa ang P10 billion na nakalaan sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

Una nang sinabi ni National Task Force against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr. target ng pamahalaan na mabakunahan ang 60 to 70 percent ng mga Pinoy.

Sinabi ni Angara na sapat na sapat na ang nakalaang budget para makamit ang target na ito ng gobyerno.

 

 

 

TAGS: aztrazeneca, Breaking News in the Philippines, covid 19 vaccine, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, MGCQ, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, aztrazeneca, Breaking News in the Philippines, covid 19 vaccine, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, MGCQ, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.