Apat na leon sa Barcelona Zoo nagpositibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo December 10, 2020 - 09:54 AM

Apat na leon sa Barcelona Zoo ang nagpositibo sa COVID-19.

Napansin ng kanilang tagapag-alaga ang pagkakaroon ng “mild respiratory symptoms” sa tatlong 16-year-old na babaeng leon at isang four-year-old na lalaking leon.

Ang tagapag-alaga ng apat na leon ay pawang negatibo naman sa sakit.

Ayon sa pahayag ng Catalan Animal Park, mild lamang ang sintomas na nakita sa apat na mga leon at sila ay naka-recover na.

Agad ginamot ang mga leon at positibo naman ang tugon nila sa gamutan.

Ang mga tagapag-alaga ng hayop sa nasabing zoo ay gumagamit na ng FFP3 masks, plexiglass visors at protective footwear.

 

 

 

TAGS: Barcelona Zoo, Breaking News in the Philippines, COVID-19, COVID-19 positive, department of health, Health, Inquirer News, lions, MGCQ, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Barcelona Zoo, Breaking News in the Philippines, COVID-19, COVID-19 positive, department of health, Health, Inquirer News, lions, MGCQ, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.