Hall of Justice sa Gapan City, Nueva Ecija isinailalim sa lockdown

Isinailalim sa lockdown ang buong Hall of Justice sa Gapan City, Nueva Ecija.

Batay ito sa utos ni Gapan City Mayor Emerson Pascual na nagsasailalim sa buong City Hall nga Gapan sa lockdown simula ngayong araw, December 10 hanggang bukas, December 11.

Dahil dito, inabisuhan ang mga empleyado ng korte na suspendido ang kanilang pasok sa trabaho ngayong araw at bukas.

Maaring ma-contact ang RTCs at MTCCs ng Gapan sa pamamagitan ng kanilang hotline numbers at email addresses.

 

 

 

Read more...