Metro Manila mga kalapit na lalawigan patuloy na makararanas ng pag-ulan – PAGASA

Magpapatuloy ang nararanasang pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 8:00 ng umaga ngayong Huwebes, December 10, mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa tarlac at Nueva Ecija sa susunod na mga oras.

Ganitong lagay na din ng panahon ang nakaaapekto sa Metro Manila, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Zambales, at sa mga bayan ng General Nakar, Infanta, Real, Burdeos, Panulukan at Polilio sa Quezon.

Pinapayuhan ang publiko at Local Disaster Risk Reduction and Management Offices na imonitor ang lagay ng panahon at mag-antabay sa susunod na abiso ng PAGASA.

 

 

 

 

 

Read more...