Truck ban sa EDSA muling ibabalik ayon sa MMDA

Ibabalik ng MMDA ang pagpapatupad ng truck ban sa EDSA.

Ayon kay MMDA EDSA traffic chief Bong Nebrija, sasakupin ng ban ang lahat ng truck o sasakyan na mayroong six wheels pataas.

Ang pagbabalik ng truck ban ay bunsod na din ng kahilingan ng mga alkalde ng Metro Manila.

Ayon kay Nebrija, magkakaroon ng designated hours sa pagpapatupad ng truck ban para maibsan ang pagsisikip ng daloy ng traffic sa EDSA.

Magugunitang simula nang pairalin ang lockdown ay sinuspinde muna ang pagpapairal ng truck ban sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Mananatili namang suspendido ang pag-iral ng number coding ayon kay Nebrija.

 

 

 

 

 

Read more...