Sunog sumiklab sa isang residential area sa South Avenue sa Makati

Tinupok ng apoy ang isang residential area sa kahabaan ng South Avenue kanto ng Novaliches Street sa Makati City.

Nagsimula ang sunog pasado alas 5:30 ng umaga ngayong Huwebes (Dec. 10) sa isang dalawang palapag na residential apartment.

Itinaas na ang second alarm sa nasabing sunog.

Isinara naman sa mga motorista pansamantala ang kahabaan ng South Avenue patungo ng Kalayaan Avenue habang patuloy pa ang pag-apula sa apoy.

 

 

 

Read more...