Nadagdagan pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lungsod ng Mandaluyong.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department (Miyerkules, December 9, 3:36 PM), 94 ang bilang ng active cases sa lungsod kung saan 20 ang nadagdag.
Ang bilang naman ng mga gumaling na o naka-recover na ay nasa 5,390 kung saan 2 ang bagong napaulat,
Ang bilang naman ng nasawi sa virus ay umabot na sa 166 kung saan 1 ang bagong naitala.
Umabot naman na sa 5,650 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.
Ang bilang ng suspected cases ay 143 at 1 ang probable.
Ayon sa Mandaluyong City Health Department ang pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng tinamaan ng virus at suspected cases ay resulta ng mas pinaigting na mass testing at contact tracing sa lungsod. Ang hakbang ay ginawa upang matukoy at agarang mabigyan ng karampatang lunas ang mga nagpositibo.