Kim Wong, nakabalik na sa bansa

By Kathleen Betina Aenlle March 23, 2016 - 05:09 AM

kim-wong-0315Balik Pilipinas na ang junket casino operator, na si Kim Wong, na isa rin sa mga sinasabing sangkot sa money laundering ng $81 million na ninakaw mula sa Bangladesh central bank.

Ayon kay Atty, Victor Fernandez, handa na rin ang kaniyang kliyente na ilabas ang lahat ng kaniyang nalalaman sa susunod na pagdinig sa Senate Blue Ribbon Committee sa March 29, tungkol sa kinasaasngkutan nitong eskandalo.

Bumalik ani Fernandez si Kim mula sa Singapore noong Linggo.

Kasabay ng pag-anunsyo niya ng kahandaan ni Kim na humarap sa Senado, kinwetyon rin ni Fernandez ang timing ng pagsasampa ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ng kaso sa Department of Justice (DOJ) laban sa kaniyang kliyente.

Sadyang kahina-hinala umano ito at sa tingin niya, mayroong mga makapangyarihang tao ang nasa likod nito na natatakot sa mga ibubunyag ng kaniyang kliyente.

Kung sa inaakala aniya ng kanilang mga kalaban ay mapipigilan ng kasong ito ang pagsasalita ni Kim sa Senado, nagkakamali sila.

Ikinagulat kasi ng kampo ni Kim ang pagsasampa ng AMLC ng kaso base lamang sa testimonya ng sinibak na RCBC branch manager na si Maia Santos-Deguito sa Senate Blue Ribbon Committee.

Ipinagtataka rin nila kung bakit tila nagmamadali ang AMLC, na umabot sa puntong ginamit na lamang na basehan ang mga sinabi ni Deguito para siya ay kasuhan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.