Pito arestado ng NBI sa pagbebenta ng gamot na nakalaan para sa mga indigent patients ng NKTI

By Dona Dominguez-Cargullo December 10, 2020 - 05:50 AM

Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pitong katao dahil sa pagbebenta ng government medicines na nakalaan para ipangtulong sa mga pasyente sa ilalim ng Medical Assistance for Indigent Patients (MAIP).

Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Eric B. Distor ang mga nadakip na sina Aliza Macalambos, Jen Tubongbanua, Clarita Selga, Maria Fe Quimno, Emilda Besmonte, Norhata Batua at Virginia dela Cruz.

Una nang sumulat sa NBI ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI) para maimbestigahan ang unauthorized selling ng mga gamot na dapat ay libreng ipinamimigay sa mahihirap na pasyente.

Agad inatasan ni Distor ang NBI-Special Task Force para magsagawa ng imbestigasyon. investigation

Nakumpirma ang operasyon ng grupo sa ginawang surveillance at test buy ng NBI-STF.

Kabilang sa ibinenta sa mga nagpanggap na buyer ay mga gamot para sa kidney disease kaya ng Epoetin Alfa (Pronivel) at Renvela.

Noong December 7, nakipagkita sa poseur buyer ang pitong suspek para sa transaksyon sa mga biniling gamot.

Doon dinakip ang pito dahil sa paglabag sa R.A. 9711 o “FDA Act of 2009”.

Ayon sa NKTI ang ilang mga gamot na nakuha sa mga suspek ay bahagi ng kanilang imbentaryo sa kanilang pharmacy.

Magsasagawa ng pa ng follow up operations ang NBI para matukoy kung paanong nailalabas ng mga suspek ang gamot mula sa pharmacy ng ospital.

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, MAIP, NBI, NKTI, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, MAIP, NBI, NKTI, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.