Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Miyerkules (December 9, 3:00 PM) nakapagtala ng 318 na bagong kaso kaya pumalo na sa 64,602 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 17,231
Laguna – 17,333
Batangas – 10,944
Rizal – 13,455
Quezon – 5,639
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 5,521.
Nasa 57,731 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 245 na bagong recoveries.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 14,975
Laguna – 15,934
Batangas – 10,184
Rizal – 11,817
Quezon – 4,821
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 3 kaya umabot na sa 1,778 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 465
Laguna – 390
Batangas – 318
Rizal – 437
Quezon – 168
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay.