Pandan, Catanduanes niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Catanduanes.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 36 kilometers northeast ng bayan ng Pandan, ala-1:17 umaga ng Huwebes (December 10).

May lalim na 1 kilometer at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Read more...