Barangay Ginebra, bagong PBA All Filipino ‘bubble’ champions

By Jan Escosio December 09, 2020 - 09:39 PM

PBA photo

Nasa 13 taon ang hinintay ng Barangay Ginebra para muling tanghaling PBA All Filipino champion.

Tinalo ng Gin Kings ang TnT Tropang Giga, 82 – 78, sa Game 5 ng Philippine Cup finals sa AUF Sports Center sa Pampanga.

Higit isang minuto na lang sa laro ang natitira bago nasilayan ng Barangay Ginebra ang kampeonato dahil sa diskarte ni LA Tenorio.

Kumamada si Japeth Aguilar ng 32 puntos para pangunahan ang Barangay at tanghalin bilang Best Player of the Game.

Sila ni Tenorio, kasama na si Stanley Pringle, ang nagtulong-tulong para makuha ang All-Filipino Cup, na huling nahawakan ng Ginebra noong 2007.

Kinilala si Tenorio na Finals MVP at ang kampeonato ang kauna-unahan niyang All-Filipino title sa kabuuan ng kanyang 14th taon sa professional basketball league.

Bagamat wala ang kanilang star players na sina Ray Parks at Jayso Castro, lumaban pa nang husto ang Tropang Giga sa pangunguna nina Roger Pogoy, Simon Enciso at Poy Erram.

TAGS: 2020 PBA finals, Barangay Ginebra, breaking news, Inquirer News, PBA All Filipino ‘bubble’ champions, Radyo Inquirer news, TNT Tropang Giga, 2020 PBA finals, Barangay Ginebra, breaking news, Inquirer News, PBA All Filipino ‘bubble’ champions, Radyo Inquirer news, TNT Tropang Giga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.