2021 General Appropriations Bill, niratipikahan na ng Kamara

Niratipikahan na ng Kamara ang bicameral conference committee report para sa P4.5 Trillion na 2021 General Appropriations Act (GAA).

Sa ilalim ng niratipikahang pambansang pondo ay P72.5 bilyon ang inilaan na pondo para sa procurement ng COVID-19 vaccines na hindi hamak na mataas kumpara sa P2.5 bilyon na original proposal ng Budget Department para sa bakuna.

Aabot naman sa P23 bilyon ang realigned na pondo para sa mga biktima ng Bagyong Ulysses at Rolly.

Sa kabila naman ng panawagan ng Makabayan na i-realign ang pondo, nanantili namang intact o buo ang P19 bilyong pondo ng kontrobersyal na National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Matapos na maratipikahan ang panukala para sa pambansang pondo ay kaagad itong isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte para malagdaan.

Target ng Kongreso na mapapirmahan sa Pangulo ang 2021 GAA bago ang aras ng Pasko.

Read more...