Inamin ni Duque na nakarating na sa kanilang kaalaman ang alegasyon laban sa pharmaceutical company sa China.
Plano ng Sinovac Biotech na makapagsagawa ng clinical trials at mag-supply ng bakuna kontra COVID 19 sa bansa.
Sinabi ng kalihim na sakaling totoo ang alegasyon ng panunuhol ng Sinovac Biotech para maaprubahan ang kanilang bakuna sa China, bahala na ang Single Joint Ethics Review Board kung paano ito ilalagay sa kanilang ulat.
Pagtitiyak ni Duque, ang lahat ng bakuna laban sa COVID-19 at sasailalim sa masusing pagsusuri.
Una nang inanunsiyo ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. ang posibilidad na ang mga unang bakuna kontra COVID 19 na gagamitin sa Pilipinas ay magmumula sa China.