‘Bribe case’ ng Sinovac, bubusisiin ng DOH

By Jan Escosio December 09, 2020 - 08:22 PM

Nangako si Health Secretary Francisco Duque III na sisiyasatin nila ang alegasyon ng panunuhol laban sa Sinovac Biotech, na ikinukunsiderang posibleng supplier ng Piliinas ng anti-COVID 19 vaccine.

Inamin ni Duque na nakarating na sa kanilang kaalaman ang alegasyon laban sa pharmaceutical company sa China.

Plano ng Sinovac Biotech na makapagsagawa ng clinical trials at mag-supply ng bakuna kontra COVID 19 sa bansa.

Sinabi ng kalihim na sakaling totoo ang alegasyon ng panunuhol ng Sinovac Biotech para maaprubahan ang kanilang bakuna sa China, bahala na ang Single Joint Ethics Review Board kung paano ito ilalagay sa kanilang ulat.

Pagtitiyak ni Duque, ang lahat ng bakuna laban sa COVID-19 at sasailalim sa masusing pagsusuri.

Una nang inanunsiyo ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. ang posibilidad na ang mga unang bakuna kontra COVID 19 na gagamitin sa Pilipinas ay magmumula sa China.

TAGS: covid 19 vaccine, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Francisco Duque III, Sinovac Biotech, covid 19 vaccine, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Francisco Duque III, Sinovac Biotech

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.