Bilang ng mga manggagawa na nasa floating status mahigit 2 milyon na

By Chona Yu December 09, 2020 - 06:42 PM


Pumalo na sa mahigit dalawang milyong manggagawa ang nasa floating status dahil sa pandemya sa COVID-19.

Ayon kay Labor Undersecretary Benjo Santos Benavidez, galing ang mahigit dalawang milyong manggagawa sa 96,000 na establisyemento o kompanya na naapektuhan ng pandemya.

Nagpatupad aniya ang ilang kompanya ng forced leave o pansamantalang nagsara.

Ayon kah Benavidez, pinapahinulutan naman ng batas na bigyan ng floating status ang manggagawa bastat sisihuraduhin lamang na hindi lalagpas sa anim na buwan.

Kung lumampas na aniya sa anim na buwan, kinakailangan nang ibalik sa trabaho ang isang manggagawa na naka floating status o hindi kaya ay sibakin at bayaran ng separation pay.

Kung hindi babayaran, masring ireklaml ang isang kompanya sa DOLE.

Pero ayon kay Benavidez, susuriin na rin ng DOLE ang datos dahil maaring nabawasan na ito lalot unti unti nabg binuksan ang ekonomiya at lumalakas na ang sektor ng paggawa.

TAGS: COVID-19, DOLE, floating status, Labor Usec. Benjo Santos Benavidez, manggagawang apektado ng COVID-19, COVID-19, DOLE, floating status, Labor Usec. Benjo Santos Benavidez, manggagawang apektado ng COVID-19

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.