Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (December 9), umabot na sa 444,164 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 26,545 o 6.0 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,387 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
85.2 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.6 porsyento ang asymptomatic; 0.31 porsyento ang moderate; 2.7 porsyento ang severe habang 5.2 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa pito naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 8,677 o 1.95 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 156 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 408,942 o 92.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.