Sen. Bong Go nagbabala sa pagkalat ng pekeng ‘holiday lockdown’

By Jan Escosio December 09, 2020 - 03:27 PM


Binalaan ni Senator Christopher Go ang publiko ukol sa kumakalat na impormasyon sa social media na magkakaroon ng ‘holiday lockdown’ ngayon Kapaskuhan.

Payo sa publiko ni Go, kumuha at maniwala lang sa mga impormasyon mula sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno at sa mga opisyal.

Bilin din nito sa mga nagpapakalat ng fake news, “ang nagpapakalat ng fake lockdown, i-lockdown n’yo muna ang sariling bunganga n’yo. ‘Di kayo nakakatulong.”

Una nang nagbabala si National Task Force on COVID-19 (NTF) spokesperson retired Gen. Restituto Padilla ukol sa mga kumakalat na maling impormasyon at aniya hindi dapat ipakalat ang mga ito sa anuman pamamaraan, lalo na sa social media.

Maging ang Malakanyang sa pamamagitan ni Presidential spokesman Harry Roque ay ipinagdiinan na mali ang kumakalat na babalik sa mas mahigpit na quarantine status ang bansa ngayon Kapaskuhan.

TAGS: ‘holiday lockdown', COVID-19, National Task Force on COVID-19 (NTF), Presidential spokesman Harry Roque, senator bong go, spokesperson retired Gen. Restituto Padilla, ‘holiday lockdown', COVID-19, National Task Force on COVID-19 (NTF), Presidential spokesman Harry Roque, senator bong go, spokesperson retired Gen. Restituto Padilla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.