Christmas bonus ng GSIS pensioners maari nang makuha

By Chona Yu December 09, 2020 - 01:00 PM

Magandang balita para sa mga pensioner ng Government Service Insurance System (GSIS).

Ito ay dahil sa maari nang makubra ang kanilang Christmas bonus na P10,000 cash gift.

Ayon kay Attorney Nora Malubayng GSIS, kabilang sa mga makakukuha ng kanilang cash gift o Christmas bonus ay ang active member pensioners o yung mga nagpakita sa kanilang birth month at nakapag renew ng kanilang active status .

Ang mga hindi naman nakapag renew ng kanilang status bago pa man nag lock down noong marso ay sinuspinde muna ang pamimigay ng P10,000.

Ayon kay Malubay, binibigyan nila ng hanggang June 2021 ang mga inactive member pensioners na mag renew ng kanilang status para maibigay ang kanilang Christmas bonus.

Paliwanag ni malubay, marami kasing pensioners na bago nag lockdown ay talagang hindi na nagpakita sa kanilang birth month para mag renew ng kanilang active status, kaya hindi alam ng ahensiya kung buhay pa ba ang mga ito.

Samantala, sabay na ring makukubra ng pensioners ang kanilang December pension nang walang kaltas mula sa kanilang loan dahil epektibo pa rin aniya ang loan moratorium payments.

TAGS: 10 000, cash gift, Christmas bonus, GSIS, 10 000, cash gift, Christmas bonus, GSIS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.