Pagpapatupad ng COVID health protocols hihigpitan pa sa Maynila

By Chona Yu December 09, 2020 - 11:38 AM

Inatasan na ni Mayor Isko Moreno ang Manila Police District (MPD) na istriktong ipatupad ang minimum health protocols na ipinatutupad ng pamahalaan laban sa COVID-19.

Ito ay para matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan, mga negosyo at mapanatili ang trabaho ng mga manggagawa sa lungsod lalo na ngayong panahon ng Pasko.

Ayon kay Mayor Isko, mahalaga na maprotektahan ang mga negosyo at manggagawa na humarap sa matinding pagsubok ngayong pandemya.

Pinatutukan din ni Mayor Isko kay MPD Chief PBGen. Leo Francisco ang mga masasamang-loob na maaaring magsamantala sa mga mamimili ngayong Pasko.

Maari kasi aniyang tumaas ang bilang ng krimen ngayong kapaskuhan dahil sa dami ng mamimili kung kaya’t dapat manatiling alerto ang mga kapulisan at mabantayan ang mga kalsada sa Maynila.

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, manila, Mayor Isko Moreno, MGCQ, MPD, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, manila, Mayor Isko Moreno, MGCQ, MPD, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.