Panukalang 2021 national budget aprubado na sa bicameral conference committee
Inaprubahan na ng bicameral conference committee ng dalawang kapulungan ng kongreso ang panukalang 2021 national budget.
Malaking tulong ang 2021 budget para sa COVID-19 pandemic response ng pamahalaan.
Una nang sinabi ni House appropriations chair Eric Yap na sa bicam version ng national budget ay kasama ang alokasyon para sa pagbili ng mga bakuna kontra COVID-19, pagpapabuti ng health facilities, at tulong pinsansyal sa mahihirap na pamilya.
Naglaan din ng pondo para sa mga lalawigan na sinalanta ng mga nagdaang bagyo.
Ngayong aprubado na ng bicam, inaasahang raratipikahan na ito ng Senado at Kamara at saka isusumite kay Pangulong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.