COVID-19 vaccine na unang gagamitin sa bansa maaring galing ng China

Posibleng sa China magmula ang unang COVID-19 vaccines na gagamitin sa Pilipinas.

Ayon ito kay National Task Force Against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr.

Sinabi ni Galvez na maaring ang bakuna mula sa Gamaleya Research Institute ng Russia at Sinovac Biotech ng China ang unang darating sa bansa sa unang quarter ng 2021.

Pero ani Galvez, maaring mas maunang mai-secure ng bansa ang bakuna mula sa China.

Magugunitang nitong linggo, ang Indonesia ay nakuha na ang 1.2 million doses nila ng Sinovac vaccine.

 

Read more...