Makalipas ang pitong taon muling tumakbo sa bilis na 60kph ang mga tren ng MRT-3.
Dahil dito, nabawasan na ang travel time ng mga running train sets sa 50 minuto, mula sa dating 1 oras at 15 minuto mula North Avenue station hanggang Taft Avenue station.
Ang mas mabilis na biyahe ng mga tren ay bunga ng paglalagay at paglalatag ng mga bagong riles sa lahat ng istasyon ng rail line, bilang bahagi ng ginagawang malawakang rehabilitasyon ng pamunuan, katuwang ang maintenance provider nito, ang Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries.
Mula sa dating bilis na 30kph, unti-unti ay itinaas ang bilis ng mga tren sa 40kph noong Oktubre, at 50kph noong Nobyembre 2020.
Dona Dominguez-Cargullo
Excerpt: Makalipas ang pitong taon muling tumakbo sa bilis na 60kph ang mga tren ng MRT-3.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.