Batay sa mga lumutang na video, may grupong nakitang nagtitipon-tipon sa tabing dagat na pawang walang suot na face masks at hindi sumusunod sa physical distancing.
Ang Batangas ay nakasailalim pa rin sa General Community Quarantine.
Ayon sa DOT, binawi na ng San Juan LGU ang business permit ng Blue Coral Beach Resorts Inc.
Nakatakda ding sampahan ng kaso ang may-ari ng resort.
Ayon sa DOT, ang operasyon ng naturang resort ay nasuspinde na din noon dahil sa paglabag sa health protocols.
MOST READ
LATEST STORIES