Kaso ng COVID-19 sa India nadagdagan ng 32,000 sa magdamag
By Dona Dominguez-Cargullo December 09, 2020 - 08:37 AM
Umabot na sa mahigit 9.7 million ang kaso ng COVID-19 sa India.
Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 32,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa India.
Dahil dito, umabot na sa 9,735,975 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.
Mahigit 9.2 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India at mayroong mahigit 379,000 pang active cases.
Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 400 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.
Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 141,398 na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.