Deguito at Torres sinibak na sa RCBC

By Den Macaranas March 22, 2016 - 08:06 PM

Deguito1
Inquirer file photo

Tinanggal na sa trabaho ng Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) sina Maia Santos-Deguito bilang bank manager sa kanilang Jupiter branch at ang senior customer officer ng bangko na si Angela Torres.

Sa kanilang inilabas na statement sa media, sinabi ng RCBC na inalis sa trabaho si Deguito makaraan dahil sa violation ng bank policies and procedure at falsification of commercial documents.

Sinabi rin ng RCBC na nakipagsabwatan si Torres kay Deguito kaugnay sa imbestigasyon sa $81 Million dirty money na pumasok sa kanilang Jupiter Makati City branch.

Nauna nang kinasuhan sa Department of Justice ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) si Deguito dahil sa umano’y pamemeke niya ng mga dokumento na ginamit naman sa pagbubukas ng mga fictitious accounts sa mismong sangay ng bangko na kanyang pinamumunuan.

Ito’y may kaugnayan sa pagpasok ng munti-million dollar account na sinasabing nagmula sa Bangladesh Central Bank.

Si Deguito ay kinasuhan rin ng negosyanteng si William So Go dahil sa umano’y pag-gamit sa kanyang pangalan sa pagbubukas ng isang bogus na dollar account.

Bilang reaksyon, sinabi Atty. Ferdie Topacio, legal counsel ni Deguito na inaasahan na nila na ilalaglag ng RCBC ang kanyang kliyente.

Ayon kay Topacio, maraming nalalaman si Deguito sa iligal na gawain ng ilang opisyal ng RCBC.

Sa ginanap na executive session sa Senado ay pinangalanan ni Deguito ang mga umano’y bank officials na sangkot sa money laundering pero tumanggi naman ang Senate Blue Ribbon Committee na ito ay isapubliko.

TAGS: AMLC, Deguito, Dity Money, RCBC, Torres, AMLC, Deguito, Dity Money, RCBC, Torres

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.