BRP Gabriela Silang nakarating na sa Catanduanes lulan ang relief supplies

By Dona Dominguez-Cargullo December 09, 2020 - 07:27 AM

Dumating na sa Virac, Catanduanes ang BRP Gabriela Silang (OPV-8301) sakay ang 65 na toneladang pagkain, gamot, hygiene kit, at iba pang relief supplies.

Nagsimula bumiyahe ang barko mula Maynila, Lunes (Dec. 7) ng madaling araw matapos ang puspusang embarkation ng mga donasyon noong weekend.

Ang mga relief supplies ay pawang tulong mula sa iba’t-ibang organisasyon at pribadong indibiduwal na nakipag-koordinasyon sa Philippine Coast Guard (PCG) para sa mabilis at ligtas na paghahatid sa mga apektadong pamilya ng mga nagdaang kalamidad.

Ang BRP Gabriela Silang ay nakailangang balik na sa Catanduanes dala ang mga tulong sa mga naapektuhang pamilya.

 

 

TAGS: brp gabriela silang, catanduanes, relief efforts, relief supplies, UlyssesPH, brp gabriela silang, catanduanes, relief efforts, relief supplies, UlyssesPH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.