Antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nadagdagan sa magdamag

By Mary Rose Cabrales December 09, 2020 - 07:03 AM

Nadagdagan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 212.52 meters alas-6:00 umaga ng Miyerkules (December 9) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 211.92 meters.

Nabawasan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na sa 99.97 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 100.13 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nadagdagan na nasa 79.48 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 79.43 meters.

Ang water level ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams ay nadagdagan habang ang Binga dam naman ay nabawasan.

Patuloy naman sa pagpapakawala ng tubig ang Binga dam.

TAGS: dam status, Luzon Dams, PAGASA-Hydrometeorology Division, dam status, Luzon Dams, PAGASA-Hydrometeorology Division

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.