24 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Baguio City

Umabot sa 24 na residente pa sa Baguio City ang nagpositibo pa sa COVID-19.

Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 6:00, Martes ng gabi (December 8), umabot na sa 3,267 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 301 ang aktibo pang kaso.

20 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.

Bunsod nito, 2,921 na ang total recoveries sa Baguio City habang 45 na ang nasawi.

Wala namang naitalang panibagong nasawi sa lungsod.

 

 

 

 

Read more...