90 anyos na lola sa England kauna-unahang tumanggap ng bakuna laban sa COVID-19
Isang 90 anyos na lola mula sa England ang kauna-unahang tumanggap ng bakuna ng Pfizer-BioNTech laban sa COVID-19.
Binakunahan si Margaret Keenan kahapon sa University Hospital Coventry.
Ang Filipina nurse na si May Parsons ang nagturok ng bakuna kay Keenan.
Proud itong ibinahagi sa kaniyang twitter ni British Ambassador to the Philippines Daniel Pruce.
Ayon kay Pruce si Parsons ay isa lamang sa libu-libong Fililpino healthcare workers sa UK.
Ayon kay Parsons, isang karangalan na siya ang napiling mag-administer ng kauna-unahang bakuna sa COVID-19 at masaya siyang naging bahagi siya ng kasaysayan.
Itinuturing naman ni Keenan na “early birthday gift” ang pagtanggap niya ng bakuna dahil sa wakas ay maari na niyang makapilipng ang kaniyang pamilya at mga kaibigan.
Maliban kay Keenan, kabilang din sa binakunahan ni Parsons ng COVID-19 vaccine ang 81 anyos na nagngangalang William Shakespeare.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.