Kauna-unahang Radyo Inquirer 990 Issues Forum, naging tagumpay
Isyu ukol sa trabaho at ilang mahahalagang usapin ang naging laman ng kauna-unahang Radyo Inquirer 990 Issues Forum. Sa pangunguna ng himpalang Radyo Inquirer 990AM, sa tulong ng Philippine Daily Inquirer, Inquirer.net, Mega Mobile at Blank Pages Productions,naisakatuparan ang una at historic na Issues Forum sa Rizal Triangle, sa Olongapo City.
Present sa naturang forum si TRBC President Paolo Prieto at sina Radyo Inquirer Station Manager Jake Maderazo at Anchor Ira Panganiban na tumayong forum panelists, at Radyo Inquirer News Director Arlyn dela Cruz na siyang tumayong host/moderator.
Kabilang naman sa mga dumalong panauhin sa forum ay si vice presidential candidate at Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos.
Guests din ang iba pang national candidates gaya nina Rep. Roman Romulo at Atty. Lorna Kapunan na kapwa tatakbong senador, at Atty. Harry Roque para sa Kabayan Partylist. I
Isa isang sinagot ni Marcos at iba pang panauhin ang mga katunangan, lalo na sa usapin sa labor force na siyang “focus” ng forum. Ayon kay Marcos, ang labor sector ay kasama sa kanyang mga plano at programa.
Sakaling mahalal bilang bise presidente, sinabi ni Marcos na hihilingin niya sa mauupong pangulo na italaga siya bilang kalihim ng Department of Labor and Employment.
Aminado si Marcos na maraming kinakaharap na problema ang labor sector, kaya upang masolusyunan ito, kailangan umano na pagtibayan ang ugnayan ng pamahalaan at pribadong sektor.
Dapat din aniyang pagtatagin ang infrastructure development sa bansa. “Kailangan natin magkaroon ng sapat na infrastructure, sa pamamagitan nito ay dadami ang trabaho sapagkat Maraming mamumuhunan ang mai-engganyo na magnegosyo kung may maayos tayong infrastructure” ani Marcos.
Sa katunayan sinabi ng mambabatas na ” 90 percent ng workforce ay nasa private sector at 10 percent lamang ang nanggagaling sa gobyerno”.
Kaya naman mahalaga aniya na magkaroon ang bansa ng “development plan” kasabay ng konsultasyon ng pamahalaan sa mga negosyante na siyang lumilikha ng paggawa.
Binigyang diin din ni Marcos ang importansya ng internet sa Pilipinas, na aniya’y malaking bahagi ng negosyo sa ating bansa, gayunman sadyang mahal at mabagal ito.
Naglahad din ng kani-kanilang mga plano sina Romulo, Kapunan at Roque hinggil sa labor issues.
Para Kay Atty.Harry Roque ng Kabayan partylist ” dapat gamitin ang limangdaang bilyung piso mula sa mahigit tatlong trilyong pisong pambansang pondo para sa programang pangkabuhayan ng mga Pilipino”.
Iginiit ni Roque na ” bagaman maganda ang layunin ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s ay mas mainam na gamitin ang malaking bahagi ng pondo nito para sa training at empowerment ng mga kapos-palad”.
Tinuran naman ni Kapunan na dapat magkaroon ng tamang istadistika sa unemployment.
Kasinungalingan ang sinasabi ng gobyerno na di problema ang unemployment, kasi pati ang mga nagtitinda ng sampaguita at balut vendor ay binilang nila na may trabaho, ani Kapunan.
Kung siya aniya ang maluloklok sa puwesto ay uunahin niyang Alisin ang kasalukuyang patakaran ng “contractualization” na kapag sumasapit na sa limang buwan sa trabaho ang empleyado sa pribadong ay tatanggalin na ito sa trabaho.
“Dapat may batas din tayo na magbibigay ng insintibo sa mga nagnenegosyo sa bansa, sa pamamagitan nito ay dadami ang mahihikayat na mag-negosyo sa bansa, ayon pa kay Kapunan.
Inihalintulad naman ni Romulo sa “law of supply and demand” ang paglikha na trabaho sa bansa, kung saan mentras dumarami aniya ang mamumuhunan ay darami rin ang trabahong malilikha.
Sabi ni Romulo “kailangan lamang palakasin natin ang mga batas na magpo-protekta sa mga kapitalista nang sa gayun ay ganado sila na mamuhunan sa bansa nang Hindi naisasakripisyo ang karapatan ng ating mga kababayan sa paggawa”.
Sa tanong naman kung ano ang balak sa sektor ng agrikultura, sinabi ni Marcos na aayusin umano niya ang irrigation system, ipatitigil ang pagsingil sa serbisyo sa patubig, aayusin din ang sistema ng pautang, sosulusyunan ang epekto ng climate change at higit sa lahat ay ititigil ang smuggling.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.