Modernization sentro ng 119th anniversary ng Philippine Army

Philippine Army
Inquirer file photo

Nagpasalamat ang pamunuan ng Philippine Army kay Pangulong Noynoy Aquino dahil sa umanoy tuloy tuloy na modernisasyon sa kanilang mga kagamitan

Sa talumpati ni Lt. Gen. Eduardo Año, sa ika-119 na taon anibersaryo ng Philippine Army, ipinahiwatig ng opisyal ang katuwaan dahil sa loob umano ng halos anim na taong pamumuno ng PNoy ay napasakamay ng kanilang pwersa ang mga makabagong  armas at mga military equipments

Kabilang na rito ang 56,843 assault rifles, 300 na unit ng light utility vehicle, 60 ambulance, radio equipments at 124 unit ng armored vehicle kung saan anim dito ay remote control operated.

Ani Año, bukod pa dito, inaasahan din na mapapasakamay ng Army ngayong taon ang karagdagang fire fighting support vehicles, 44 units ng 60mm mortars at 2,200 na unit ng grenade launcher.

Sa harap nito, di naman naiwasan na ipagmalaki ng opisyal ang mga matatagumpay na military operations na isinukli nila sa gobyerno na nagbunga ng pagkakaneutralize sa 595 rebeldeng NPA, 82 myembro ng ASG, 56 myembro ng Maute group at 10 BIFF members.

Read more...