OFW sa Taiwan pinagmulta dahil sa paglabag sa quarantine protocols

Isang Overseas Filipino Worker ang pinagmulta sa Taiwan ng $3,540 o katumbas ng P168,000 dahil sa paglabag sa quarantine protocols.

Lumabas lang ng walong segundo mula sa kaniyang quarantine room at hindi ito nakalagpas sa surveillance camera ng hotel.

Ang nasabing OFW ay sumasailalim sa mandatory 14-day quarantine.

Ayon sa Department of Health ng Kaohsiung, Taiwan lumabas ang OFW sa kaniyang kwarto para ilapag ang ilang gamit sa harap ng pintuan ng kwarto ng kaniyang kaibigan na naka-quarantine sa parehong hotel.

Sa Taiwan, aabot sa 56 na hotel ang ginagait bilang quarantine facilities.

Lahat ng dumarating doon ay isinasailalim sa mandatory quarantine.

 

 

 

 

Read more...