Global cases ng COVID-19 mahigit 67.8 million na

By Dona Dominguez-Cargullo December 08, 2020 - 10:31 AM

Umabot sa mahigit 496,000 pa ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo sa nakalipas na magdamag.

Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Martes, (Dec. 8) ay 67,896,933 na ang global cases ng COVID-19.

Sa magdamag, mahigit 177,000 ang bagong kaso na naitala sa US.

Habang mahigit 27,000 naman ang bagong kaso sa India at mahigit 24,000 ang bagong kaso sa Brazil.

Nakapagtala naman ang Russia ng dagdag na 28,000 na mga bagong kaso.

Ang Italy ay umakyat sa pang-anim sa mga bansang may pinakamaraming kaso matapos maungusan ang datos ng Spain at UK.

Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:

USA – 15,347,601
India – 9,703,908
Brazil – 6,628,065
Russia – 2,488,912
France – 2,295,908
Italy – 1,742,557
UK – 1,737,960
Spain – 1,715,700
Argentina – 1,466,309
Colombia – 1,377,100

 

 

 

TAGS: COVID-19 cases, global cases, India, US, COVID-19 cases, global cases, India, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.