Bilang ng patay sa terror attack sa Belgium, tumaas pa

By Den Macaranas, Kathleen Betina Aenlle March 22, 2016 - 03:53 PM

Belgium explosion
BBC

(Update) Umakyat na sa 34 ang naitalang nasawi, habang hindi naman bababa sa 170 ang nasaktan sa pag-atake sa Zaventem Airport at Metro Subway Station sa Moleenbeek sa Brussels, Belgium.

Tinatayang hindi bababa sa 10 ang namatay sa Zaventem airport at hindi naman bababa sa 20 ang nasawi sa Maalbeek metro station, at inaasahang magbabago pa ang mga numerong ito hangga’t hindi natatapos ang operasyon ng mga otoridad sa lugar.

Kaagad na ipinatupad ang lockdown sa buong Belgium kasunod ng naganap na pag-atake ayon sa Federal Police Department.

Isinara na rin ang mga istasyon ng tren kasabay ang pagpapakalat ng mga pulis sa mga pangunahing lansangan sa lugar.

Sa kanyang public address, tinatawag ni Belgian Prime Minister Charles Michel na isang “terror attack” ang twin explosion na naganap sa kanilang bansa.

Pinayuhan rin niya ang kanyang mga kababayan na manatili sa loob ng mga bahay at maging alerto sa kanilang paligid.

Samantala, ayon naman sa kanilang CEO na si Arnaud Feist, isasara muna an nasabing paliparan sa Brussels sa Miyerkules, araw sa Belgium, at pag-aaralan pa niya kung maari na ba itong buksan sa susunod na araw.

Kanselado na rin lahat ng 600 flights na naka-schedule sa araw na iyon hanggang sa susunod na araw.

Ipinag-utos na rin ng Belgian government ang pagsasara ng lahat ng mga public transport terminal para na rin sa kaligtasan ng publiko.

TAGS: Belgium, Brussels, Zaventam, Belgium, Brussels, Zaventam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.