Sa magdamag ay nadagdagan pa ng 27,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa India.
Dahil dito, umabot na sa 9,703,908 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.
Mahigit 9.1 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India at mayroong mahigit 385,000 pang active cases.
Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 400 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.
Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 140,994 na.
MOST READ
LATEST STORIES