Amanda Echanis: Sana makalaya na kami ni baby kasi wala naman kaming kasalanan

By Dona Dominguez-Cargullo December 08, 2020 - 08:36 AM

Nagbigay ng pahayag si Amanda Echanis kasama ang kaniyang sanggol.

Sa video ng mag-inang Echanis na ibinahagi sa Facebook page ng grupong “KAPATID”, nagpasalamat si Echanis sa mga natatanggap na tulong at suporta habang silang mag-ina ay nakakulong.

Iginiit ni Echanis na ang mga armas at pampasabog na sinasabing nakuha mula sa kaniya ay pawang gawa-gawa lamang.

“Sana makalaya na kami ni baby kasi wala naman kaming kasalanan. Ang aktibismo ay paglilingkod sa bayan at hindi kasalanan,” ayon kay Echanis.

Sinabi ni Echanis na malakas at maayos ang kondisyon ng kaniyang 22-day old na sanggol.

Si Echanis na kasapi ng peasant group na “Amihan” ay inaresto kasama ang kaniyang anak noong December 2 sa Cagayan.

 

 

 

 

TAGS: Amanda Echanis, Cagayan, kapatid, Amanda Echanis, Cagayan, kapatid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.