Ang mga nagkasakit ay pawang nawalan ng malay matapos mag-seizure at makaranas ng nausea.
Ayon sa isang senior health department official ang mga naapektuhang mamamayan ay pawang mula sa southern state na Andhra Pradesh.
Mula sa 400 na naospital, 200 naman na ang nakalabas ng pagamutan at pawang negatibo sila sa COVID-19 test.
May isasagawa pang serological tests para malaman kung ano ang kanilang sakit.
Magpapadala na din ng tatlong team ng medical experts ang federal health ministry ng India para maimbestigahan ang outbreak.
May mga bata din na kabilang sa nagkasakit na nakaranas ng pagkahilo, pananakit ng ulo, pagsusuka at nawalan din ng malay.