Isa patay, mahigit 400 dinala sa ospital sa hindi pa matukoy na sakit sa India

By Dona Dominguez-Cargullo December 08, 2020 - 08:19 AM

Isa ang nasawi habang mahigit 400 pa ang naospital sa hindi pa matukoy na sakit sa Southern India.

Ang mga nagkasakit ay pawang nawalan ng malay matapos mag-seizure at makaranas ng nausea.

Ayon sa isang senior health department official ang mga naapektuhang mamamayan ay pawang mula sa southern state na Andhra Pradesh.

Mula sa 400 na naospital, 200 naman na ang nakalabas ng pagamutan at pawang negatibo sila sa COVID-19 test.

May isasagawa pang serological tests para malaman kung ano ang kanilang sakit.

Magpapadala na din ng tatlong team ng medical experts ang federal health ministry ng India para maimbestigahan ang outbreak.

May mga bata din na kabilang sa nagkasakit na nakaranas ng pagkahilo, pananakit ng ulo, pagsusuka at nawalan din ng malay.

 

 

 

 

TAGS: Andhra Pradesh, India, nausea, outbreak, Southern India, Andhra Pradesh, India, nausea, outbreak, Southern India

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.