MRT-3 nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng pasahero mula nang magbalik-operasyon ito noong Hunyo
Nakapagserbisyo ng kabuuang 128,368 na pasahero ang MRT-3 kahapon, December 7, 2020.
Ito na ang pinakatamaas na bilang ng mga commuters na sumakay ng tren simula nang magbalik-operasyon ito noong June 1, 2020.
Ayon sa MRT-3 resulta ito ng mas pinataas na passenger capacity, mas mabilis na pagbiyahe ng mga tren at pagkakaroon ng mataas na bilang ng mga running at operational na train sets sa linya.
Itinaas ang kapasidad ng mga tren sa 30% mula sa dating 13% lamang.
Simula kahapon, December 7 ay 60kph na ang train speed ng mga tren ng MRT-3.
Patuloy pa din ang pagtitiyak na nasusunod ang minimum health protocols sa mga tren.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.