Velasco umapela sa DOTr, gawing March 31, 2021 ang deadline para sa cashless transaction sa toll
Umapela si House Speaker Lord Allan Velasco sa Department of Transportation (DOTr) na palawigin pa ang deadline para sa pagpapakabit ng RFID stickers.
Ayon kay Velasco, sa kasalukuyang sitwasyon, malabong lahat ng 6.1 million registered vehicles sa Metro Manila, Central Luzon at CALABARZON ay makakabitan ng RFID stickers pagsapit ng Jan. 11, 2021.
Kailangan din aniyang ikunsidera ng DOTr, na marami pa ring vehicle owners ang hindi umaalis ng bahay dahil sa COVID-19 pandemic kaya hindi sila makapagpapakabit ng RFID.
Mas praktikal ayon kay Velasco kung gagawing March 31, 2021 ang deadline para sa 100 percent cashless transactions sa toll.
Ayon naman kay Transportation Committee chair Samar 1st District Rep. Edgar Sarmiento sa Thailand at Indonesia inabot ng isa at kalahating taon bago maging fully cashless sa kanilang toll.
Pinuna din ng Sarmiento ang RFID Reader Equipment Machines sa North Luzon Expressway na aniya ay kinakailangan pang i-upgrade.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.