Yellow heavy rainfall warning nakataas sa Cebu, Negros Occidental at Negros Oriental
Nakataas na ang heavy rainfall warning sa ilang bahagi ng Cebu, Negros Occidental at Negros Oriental.
Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 6:17 ng umaga ngayong Martes, December 8 yellow warning ang umiiral sa Central Cebu, Southern Cebu, buong Negros Occidental at bahagi ng Negros Oriental.
Ang nararanasang pag-ulan ay dulot ng umiiral na easterlies.
Babala ng PAGASA maaring makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar.
Pinapayuhan ang mga residente at Local Disaster Risk Reduction and Management Offices na imonitor ang lagay ng panahon at mag-antabay sa mga susunod na abiso ng PAGASA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.