Operating speed ng MRT-3 itinaas na sa 60kph
Naitaas na sa 60kph ang operating speed ng mga tren ng MRT-3.
Simula kahapon, December 7 bumiyahe na sa bilis na 60kph ang mga tren.
Bumaba sa 3.5 to 4 minutes na lamang ang average time sa pagitan ng mga tren mula sa dating 8 to 9.5 minutes.
Dahil dito, ang travel time mula North Avenue station hanggang sa Taft Avenue ay bababa sa 50 minutes na lamang mula sa dating 1 hour and 15 minutes.
Ang pagpapabilis sa train speed ay resulta ng isinagawang rail replacement works sa MRT-3.
Noong Setyembre ay nakumpleto na ang rail replacement works sa buong linya ng tren.
Huling bumiyahe sa bilis na 60kph ang MRT-3 noon pang September 2013.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.