Wala nang idedeklarang ceasefire sa NPA ayon kay Pangulong Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo December 08, 2020 - 06:18 AM

Hindi na magdedeklara ng ceasefire sa New People’s Army ang pamahalaan habang nakaupo sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ito ng pangulo sa kaniyang public address kagabi.

Ayon sa pangulo habang nakaupo siya sa pwesto, hindi na makaaasa pa ng ceasefire ang CPP/NPA.

Maging ngayong Christmas season, ay hindi magdedeklara ng holiday truce ang pamahalaan.

Sinabi ng pangulo na wala na ring pag-asa sa ilalim ng kaniyang administrasyon ang peace talks.

Ayon sa pangulo itinuturing niyang patay na ang peace talks sa NDP at NPA pati na sa kanilang legal front.

 

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, CPP-NPA, Inquirer News, no ceasefire, NPA, Philippine News, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, CPP-NPA, Inquirer News, no ceasefire, NPA, Philippine News, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.