LOOK: LRT-1 inilunsad ang kanilang “Christmask Train”

By Dona Dominguez-Cargullo December 08, 2020 - 05:57 AM

Bumibiyahe na ang “Christmask Train” ng LRT line 1.

Taun-taon tuwing sasapit ang kapaskuhan, mayroong Christmas Train ang LRT-1 na dinidisenyuhan ng mga palamuting pang-Pasko.

Pero dahil sa kasalukuyang pandemya ng COVID-19, sa halip na “Christmas Train” ay tinawag ito ng LRT-1 na “Christmask Train”.

Makikita sa bungad ng tren na mistulang nakasuot ito ng face mask.

Nilagyan din ang tren ng larawan ng mga frontliner bilang pagpupugay sa kanilang dedikasyon ngayong nahaharap ang bansa sa COVID-19 pandemic.

Kasabay ng paglulunsad ng Christmask Train ay namahagi din ng safety kits sa mga pasahero na naglalaman ng alcohol, face masks, at face shields.

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Christmask Train, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, lrt line 1, MGCQ, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, transportation, Breaking News in the Philippines, Christmask Train, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, lrt line 1, MGCQ, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, transportation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.