Isinailalim sa lockdown ang isang bahagi sa Baranagay NBBS Dagat-dagatan sa Navotas City.
Sakop ng lockdown ang bahagi ng Block 31, Lot 36.
Batay sa Executive Order No. TMT-056, series of 2020, epektibo ang lockdown simula December 5, 2020 mula 5:01 ng madaling-araw, hanggang December 19, 11:59 ng gabi.
Ayon kay Mayor Toby Tiangco, sa isinagawang contact tracing at house-to-house survey, napag-alamang may apat na nagpositibo sa COVID-19 habang 16 ang persons under investigation.
Dahil dito, kailangan aniyang manatili sa bahay at dumaan sa swab testing ng lahat ng mga residente sa nasabing lugar.
“Magsasagawa rin ng targeted testing sa mga nakatira malapit sa compound. Ang magpositibo ay dadalhin sa Community Isolation Facility. Bibigyan ng relief packs ang kanilang pamilyang maiiwan,” pahayag ng alkalde.
Papayagan namang makapasok ang mga may trabaho o negosyo na exempted ng IATF kung negatibo sa COVID-19 at may dalang valid company ID o certificate of employment.
“Hindi po natin gusto ang lockdown; mahirap ito para sa ating lahat. Ngunit kailangan po ito para sa ikabubuti ng bawat isa. Hinihingi po namin ang iyong lubos na suporta at kooperasyon. Pakikiisa ang tatapos sa pandemya,” dagdag ng alkalde.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.