Pinag-iingat ng Philippine National Police Anti-Illegal Drugs Group (PNP-AIDG) ang mga magbabakasyon ngayong long holiday sa pagkalat ng ilegal na droga sa mga tourist spots.
Ayon kay PNP-AIDG Legal and Investigation Division Chief C/Insp. Roque Merdegia Jr., karaniwan nang sinasamantala ng mga drug pushers ang lugar na maraming turista upang magbenta ng ipinagbabawal na gamot.
Nagbabala din si Merdegia sa pagtanggap o pagbabantay ng mga padala o bagahe mula sa mga hindi kakilala sa mga airport, seaport at terminal ng bus dahil ito ang karaniwang estilo ng mga sindikato ng droga.
dapat din umanong iwasan ang pakikipag usap sa hindi kakilala at lalong wag tumanggap ng ano mang pagkain tulad ng cookies, brownies at inumin na karaniwang hinahaluan ng mga illegal drugs tulad nang marijuana at liquid ecstacy.
Tiniyak naman ng pamunuan ng PNP na sapat ang kanilang mga tauhan na magbabantay sa mga matataong lugar ganun din sa mga residential areas.