757 katao, nahuling lumabag sa mga ordinansa sa Navotas

By Angellic Jordan December 07, 2020 - 10:01 PM

Umabot sa 757 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures at iba’t ibang ordinansa sa Navotas City sa magdamag.

Batay ito sa ulat ng Navotas City police, Task Force Disiplina at mga barangay.

Nahuli ang nasabing bilang ng violators mula 5:00, Linggo ng hapon (December 7), hanggang 5:00, Lunes ng hapon (December 7).

Pinakamaraming nahuling lumabag sa curfew na umabot sa 374 kung saan 225 ang adult habang 149 ang menor de edad.

Sumunod dito ang mga hindi nagsuot o hindi tama ang pagkakasuot ng face mask na umabot sa 341.

Wala namang nahuli na hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Samantala, apat ang nahuling naninigarilyo, 15 umiinom habang 16 sa iba pang ordinansa.

TAGS: curfew violators, Inquirer News, Navotas Police, quarantine guidelines, Radyo Inquirer news, social distancing violators, curfew violators, Inquirer News, Navotas Police, quarantine guidelines, Radyo Inquirer news, social distancing violators

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.